visit www.bkwsu.org/philippines

Mabuhay ang bagong magsasaka!


Likas marahil sa lahat ng Pilipino na mangarap at maghanap ng mga paraan upang maisakatuparan ang mga ito. Isang samahan ng mga magsasakang itinatag noon pang 2002 ay isinasabuhay ang pangarap ng bawat kasapi sa kaniyang pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sa larangan ng buhay. Dalawang pamamaraan ang kanilang tinututukan: una, kailangang bumalik ang mga magsasaka sa pagtatanim na natural at hindi gumagamit ng kemikal (organing farming). Pangalawa, kailangan ding manumbalik ang kanilang kagandahang loob tulad ng bayanihan, tiyaga, sipag at kadalisayan (tinagurian nilang BATISKA).

Sa ngayon, halos 2,000 na kasapi ng Samahan ng Magsasaka sa Kapuluan (SAMASAKA) ang nagsasabuhay ng adhikaing mabago't mapaunlad ang katayuan ng maliliit na magsasaka sa Pilipinas. Mayroon silang hindi lamang sapat at ligtas na pagkain, kundi mayroon pa ring pagkaing pambenta. Maganda ang kanilang relasyon sa pamilya at masasabing sila'y responsableng mamamayan. Karamihan ng mga magsasaka ay matatagpuan sa Cavite bagama't mayroon ding naninirahan sa Laguna, Palawan at Bohol. Kabahagi ang gobernador ng Cavite na si Ayong Maliksi sa malaking tagumpay ng programang ito.

Kabilang sa minarapat na adhikain ng SAMASAKA ang pag-akit sa kabataan na nahinto sa pag-aaral na lumahok sa natural na pagsasaka, kasabay ang paghubog sa kanilang kagandahang asal.

Post a Comment

  © Blogger template The Professional Template II by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP