visit www.bkwsu.org/philippines

Panahon at Pagbabago

TIME AND TRANSFORMATION (PANAHON AT PAGBABAGO)
LIBRENG KONSIYERTO


Pangungunahan ng mga sikat na hosts na sila TESSIE TOMAS, BOY ABUNDA, RICKY DAVAO AT TIMMY CRUZ ang isang natanging programamng magdudulot ng naiibang aliw at karanasan. Ito ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa ika-18 ng Hunyo 2007. Magsisimulang magpapasok ng mga dadalo ganap na ika-sais ng hapon at magsisimula ang palabas ng ika-pito ng gabi.


Isasalarawan ng “Time and Transformation” kung paano ang madaliang pagbabago ay maari ring maging kasiyasiya sa pamamagitan ng mga awit, sayaw at mga panandaliang talakayan ng mga sikat na personalidad tungkol sa value-based vignettes.

Si Floy Quintos ang magdidirek ng mabonggang palabas na musical na magtatanghal ng mga sikat na entertainers gaya nila Joel Ayala at Grace Nono at ang dance guru na si Douglas Nierras. Magbibigay rin ng naiibang bilang ang Charity First Mime Artists at Apostolic Catholic Church Choir.

Si Mayor Sonny Belmonte ang magbibigay ng mensaheng pagbati. Si Hirdaya Mohini ang magiging katangi-tanging panauhin. Siya ay isa sa tatlong administrative heads ng Brahma Kumaris, isang samahang pandaigdigan ng mamuno sa event upang ipagdiwang ang 70 taong paglilingkod nito sa buong mundo (25 taon sa Pilipinas)

Si Dadi Gulzar(Gulzar ay maisasalin sa “Bouquet of Flowers” o Pumpon ng Bulaklak bagama’t ang tunay niyang pangalan ay nangangahulugan ng “The One Who Attracts People’s Hearts” o “Siyang Nakakabighani ng Puso ng Tao”), na pinapipitagang international speaker ay inaasahang magsasalita sa harap ng 10,000 katao sa Big Dome.

“Time and Transformation” ay isang concert na walang bayad at lahat ay inaanyayahang dumalo. Tawagan ang teleponong 890 7960 (Rose Uy) o 922 9231 (Vicky Mandap). Bumisita sa www.bk-tnt.blogspot.com

Post a Comment

  © Blogger template The Professional Template II by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP